BULOK NA KAMATIS.
Ang bawat tao’y may masamang pag-uugali. Pati kaibigan mo, meron din. Hindi mo lang ito napapansin o pinapansin. Hindi mo namamalayang nahahawa ka na pala sa masamang ugali niya. Ang kaibigang ganyan ay parang kamatis. Kapag nabubulok, nabubulok din ang kanyang mga kasama.



