Facebook Badges
gambling insider
October. 28. 2011. 06:28 pm 2 notes

Ka-oehan lomong: kao-ehan pa rin.

Paano ba malalaman na umiibig ka na pala? MARARAMDAMAN naman yan eh. Napansin mo na lang na gustong gusto mong makita siya araw-araw. Ayeeeeee. Di nga. HEHE. Para bang hindi magiging kumpleto ang araw muh kung hindi mo siya masilayan. Kahit sa FACEBOOK nga lang, TINITINGNAN MUH TALAGA YUNG WALL NIYA. Kung anu yung status na pinost niya. HAHA. Hindi rin mawawala yung pagtingin muh sa PROFILE PICTURES niya once in a while. stalker teh. HAHA.

Eto pa isa, bago ka natutulog, iniisip muh kung ano ginagawa niya… kung natutulog na ba siya o hindi pa… kaya ayan tuloy. Kung hindi taghiyawat ang napapala muh, EYEBAGS NAMAN. HAHAHA

Pero ang tanong. Paano naman malalaman kung PAG-IBIG NA NGA ang nararamdaman muh? Eh di tanungin mo sarili mo! Sasagutin ka rin niya. AHAHAHA. Pero seryoso, HINDI KUH ALAM. It’s up for you to find out. Isa lang naman sigurado. Kung wala kang alam tungkol sa kanya maliban sa pagmumukha niya at pangalan niya, tiyak na hindi PAG-IBIG YAN. Bakti ko nasabi? EH syempre. Obvious naman na CRUSH LANG YAN. Hindi mo nga kasi siya kilala eh. Marahil ay nakita mo lang siya once, twice, or many times at napagtanungan muh lang yung kakilala muh about sa kaniya kaya nalaman mo ang pangalan niya. HAHA. May pa love at first sight ka pang nalalaman. haha. IMONG MAMA! EKSDI.

Paano kung yung mahal mo, hindi ka naman mahal? Isa lang solusyon jan. Pumunta ka sa rooftop ng Crown Regency Hotel and Towers sa Cebu at tumalon ka buhat sa itaas. AHAHA. JUST KIDDING. Tanggapin muh nalang na HINDI MAGIGING KAYO. Hindi ko naman sinabing HINDI KAILANMAN MAGIGING KAYO. So baka sakaling may chance ka sa kanya. :p Baka” lang naman eh. So hindi sure. Kung wala talagang chance, mas mabuting mag move on ka nalang. Hindi ka naman pwedeng magalit sa kanya kung hindi niya man masuklian yung pagmamahal mo. Unang una, HINDI NIYA KASALANAN KUNG HINDI KA NIYA MAHAL. TAPOS.

Mahirap bang kalimutan siya? Ano sa palagay mo! Kung crush lang naman, sing dali lang ng isang pikit mata ang makalimot, since marami pa namang iba jan na pwedeng maging crush. HAHA. Eh pero pag pag-ibig na ang pinag-uusapan, HINDI KO ALAM EH. Tanong ka nalang sa iba. :P

-Ka-oehan lomong. ANG IKALIMA.

November. 07. 2011. 10:42 am

Happy

Oo, MASAYA AKO. 

MASAYA. HAHA. kasi may Battle Realms na ako. yung may winter of the wolf. :D at laaaaast. :D

November. 07. 2011. 11:07 am

Huwag ka gagawa ng desisyon kung galit ka. -MSNP

November. 07. 2011. 01:02 pm 8 notes

Annoying

Bakit may mga taong sadya talagang nakakiinis? Yung taong nag-iinit agad ang ulo mo pagkarinig mo sa boses nya. Yung hindi mo pa nga siya nakikita, pero pag narinig mo na ang boses niya, kahit nasa malayo pa siya, naiinis ka na.

Ewan ko lang. May isa kasing taong ayaw ko. Hindi ko siya pinapansin, kasi nakakainis. Kahit parehas kaming IT pero magkaiba lang ang major namin. Hindi ko nga siya inadd sa facebook kasi hindi ko naman siya gusto.

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, na-aannoy ako eh. Parang may kakaiba sa aura niya. chos. may pa-aura2 pakong nalalaman. HAHA. Basta. Yung feeling na ayoko talaga sa kanya. Yung magkatabi kayo, tapos kausap niya mga friends nya, (yung iba dun, friends ko din), tapos parang nahahanginan ako.. iba kasi yung pagsasalita niya, yung nakakainis talaga eh. Wala ako pake kung ayaw din niya sakin. Basta nauna pa din ako. HAHAHA.

Nainis ako lalo sa kanya nung enrollment eh. Inuna kasi kami nun, mga Multimedia Systems ang major. Tapos 5 lang kami. Eh Network(ing) Systems yung major niya. So mamaya pa dapat siya. Tapos pinapadali ba naman kami. As if kami yung masusunod. Kami talaga magmamadali? Tapos nung nalaman nya madedelay pa yung enrolment namin kasi me problema, nagmumura siya. And I was like, whoa there. <Insert-mura-here> ka din! Nakakainis lang kasi nakakainis siya. HAHA. Ayun.

November. 08. 2011. 11:00 am 1 note

Be ready to do what is right and not according to your mood - EFS

November. 08. 2011. 01:03 pm 11 notes

Brownout

Kapag whole day nag brownout, iilang bagay lang ang pwede mong magawa. Hindi ka kasi makapag-tumblr, makapag-fb, twitter or ano pa. Wala din mapapanood na show kasi nga brownout. Ang magagawa mo lang ay ang:

  •  Kumain 
  •  Matulog 
  • makining ng music sa phone mo      
  • mag text        
  • at matulog ulit.

Good luck kung low batt naman yung phone mo, so tanggalin nalang sa listahan ang pakikinig ng music sa phone tsaka mag text. Pwede mo din idagdag ang pagligo sa list. Pero wala din kwenta, kasi wala naman electric fan or aircon, so papawisan ka din after mo maligo. Tsaka pag natulog ka, mag expect ka na na paggising mo, basang basa ka na ng pawis, lalo pa’t sa kwarto ka natulog.

pero kung ayaw mo ng ganun, pwede ka pumunta nalang sa mall para naman hindi ka mainip. mabuti pa dun, me kuryente. :D malamig pa! haha

November. 09. 2011. 01:00 pm 7 notes

Unfair

Alam mo yung Unfair? Kasi nung na DL(dean’s lister) ako last sem, hindi ako binigyan ng instructions kung ano ang dapat gawin para free yung tuition fee ko. Kasi pag yung GPA mo si greater than 1.75, automatic free tuition fee na. tapos pag greater naman than 1.5, free tuition fee na, may stipend pa. eh 1.71 ako nun. So dapat free tuition fee. Kaso nung nag enroll ako nun, pag print ng COR, kamulat-mulat na Paying yung Scholarship status ko. Eh malay ko ba na dapat pa pala ako pumunta sa Dean’s office para ma update yung status ko. So ayun. Eh wala ako pera nun. Kasi hindi ako humingi sa mom ko kasi I was expecting na free ako. Pero nagulat ako kasi magbabayad pala ako. So nangutang pa ako sa classmate ko pambayad ng tuition fee. Tapos tinanong ko yung mga classmates ko tungkol dun, tapos they were all like “Give it up Josef, Sa ibang colleges lang yung FTF pag DL.” Hindi yun ang sinabi nila pero parang ganun yung thought eh. Xp

Tapos tiningnan ko yung site ng school namin para ma-confirm na FTF talaga pag DL. And ayun. free nga talaga dapat ako. Yun kasi nakasulat sa site eh. So one week after ng enrolment, tinulungan ako ng classmate ko para ma-update yung status ko tsaka ma-refundan ako. So na-update na nga status ko. Ang problema nalang nun ay ang refund. Ilang ulit ako pabalik balik dun, 3 weeks to be exact. Hanggang sa kinuha nalang nila yung OR ko kasi baka naawa na sila sakin 3 weeks ako pabalik-balik dun eh. Sabi nila mag-popost lang daw sila sa bulletin board about dun sa refund.

Pero nag July nalang, nag August, nag September, hanggang nag October nalang, wala pa din silang pinopost. Kaya nung nag October na, dumeretso nalang ako sa cashier para ma-refundan. Ganun din ang style nila. Mga 3 weeks din ata ako nagpabalik-balik dun para lang marefundan. Mga third week na ng October saka ko pa nakuha ang pera. Saka lang ako na-refundan nung patapos na ang klase.

Tapos ngayon, yung mga bagong DL, (yung mga DL ngayong sem), binigyan na sila ng instructions kung ano dapat gawin. Hindi na sila magbabayad ng tuition fee. :( FTF eh.

Unfair lang kasi nung ako, andame ko pang pinagdaanan. char. haha. Tapos sila, madali lang. tsk tsk tsk.

November. 09. 2011. 02:00 pm 1 note

HAPPY 5th Monthsary

It’s my 5th month dito sa tumblr. And 25 followers na naman ang nadagdag. 5 yung mga nag unfollow. SALAMATTTTT SENYO XD